Saturday, May 02, 2009

broken

sa Lex: BREAKING stereotypes
sa Love: BREAKING traditions

ang lakas kasi ng loob ko.. kala ko kaya ko lahat.. kaya eto ako ngayon: BROKEN




ang laki pala ng great wall.. di pde banggain.. wasak ka talaga.. kala ko mababasag ko eh.. ndi pala..

Friday, April 03, 2009

clueless

Ugh! parang pagkain lang yan eh. Bigyan mo ko ng menu at hindi ko alam kung ano ang gusto ko pero alam ko kung ano ang ayaw kong kainin.

Ayaw ko ng Garden Fresh Pizza.
Ayaw ko ng Carbonara sa Max's Fried Chicken.
Ayaw ko ng laing (or anything that looks like laing).
Ayaw ko ng papaya.

Ang dali-dali alamin kung ano ang ayaw ko pero ang hirap naman alamin kung ano ang gusto ko. Ngayon, alam kong ayaw ko maging medrep kahit na yun yung gusto kong propesyon nung bata pa ako. Ok rin naman. May libreng pabigas, kotse, gas and food allowance. Mga doktor ang lagi mong kasama. Minsan, nakakalibre ka pa sa consultation fee. I'm not being idealistic. Yun ung ibang perks na nakukuha nina mom at tita. Pero... ayoko na maging medrep. Ok lang naman yun. Ok lang na ayawan ang isang propesyon. Parang.. Ayoko maging doktor. Ayoko maging pulis. Ok lang. PERO.. ano ba talaga gusto ko? Ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko?

Hahahaha Ang harsh naman ng last statement ko. "Ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko?" Parang kinakahon ko lang ang buhay ko sa trabaho ko. Mali. Mali. ... Alam ko naman kasi na gusto kong maging maligaya. Gusto kong hanapin ang kaligayahang yun. Gusto kong magmahal. Gusto kong magkapamilya. See? I'm not totally clueless. Partially lang. Hahahaha. Ewan. Bumalik na naman ba ako sa simula?

Friday, February 27, 2009

Tuesday, January 29, 2008

Levinas kc eh...

Totality = law of the I = reducing the Other to the I = the I becomes the center


Concrete Example:
Anak na dalaga: Nay, pwede na po ba akong magka-boyfriend?
Ina: Hay naku anak!!! kinse anyos ka pa lang! Nung panahon ko, at nung kasing edad mo ako, ni hindi nga kami pwedeng magpaligaw. Ang tumingin sa isang lalaki'y kasalanan sa Diyos. Mawawalan ka ng dignidad......


Explanation:
Yan ang experience ng totality (kht na medjo exagg.. hehehe). The mother is reducing her child to herself. HIndi nia makita na magkaiba sila ng anak nia. At ang masama pa rito ay ginagawa nia ang sarili niang karanasan/ugali/paniniwala bilang pamantayan ng kung ano ang tama at kung ano ang dapat gawin ng kanyang anak. She's not respecting the otherness of her child. Dami pang experiences na ganyan. Ung hindi nila nirerespeto ang kaibahan mo... Ung ni-re-reduce ka nila sa sarili nilang tradisyon at kultura...













Tanong:
Bakit kelangang magtago?

Sagot:
Totality

Sunday, May 27, 2007

i hate this feeling

i hate this feeling. ang lapit ko na eh... kaya lang pumalpak ako.. pero ala naman talaga sa kamay ko ang desisyon.. pero.. basta i hate this... naiinis ako at ndi nangyari ang gusto ko... ang sakit nun.. sobra.

Friday, April 27, 2007

mantra

women fancy admiration means more than it does.
women fancy admiration means more than it does.
women fancy admiration means more than it does.
women fancy admiration means more than it does.
women fancy admiration means more than it does.


argh! dapat mantra na yan. kasi naman.. ndi pinapagana utak.... actually, gumagana siya, ndi lang sinusunod.

Thursday, April 26, 2007

women fancy admiration means more than it does

hahaha! Di na ko nakapag-update. Pumunta ako sa school nung bday ni katie. He3! 9am andun na ko. Eh may meeting din ako for lex ng 5pm. Hahaha! Masaya yun. Tambay lang sa school. Sofa girl na talaga. hahaha!

"Women fancy admiration means more than it does." - Jane Austen
Oo. Binabasa ko ulit ang P&P. hahaha! Napanood ko kasi sa cable yung movie. In love na naman ako kay Mr. Darcy. hahahaha! Pero totoo ung kowt. Sobra. Hahahhaha! Natamaan ako eh. hay! Ganun din ung mga nakapaligid sa kin. Napapaisip tuloy ako. hahaha! ayoko na.

Wednesday, April 18, 2007

isang linggo

Wednesday
Nagpunta rito sina meg at ice. hahaha! Dapat si meg lang ang pupunta kasi magpapaturo siya ng eco kaya lang niyaya na rin namin si ice. wahhahaha! dapat susunduin ko siya sa mercury kaya lang nakatulog ako. hahaha! Nasundo ko naman siya. Tapos pinasunod namin si ice. Naturuan ko naman si meg ng eco kaya lang isang graph lang yung na-explain ko sa kanya. he3! Nanood na lang kami ng Se7en. I really like that movie. Swerte nga kasi yun ung movie na hinahanap ni meg. Tapos sabi pa nila pwede raw maging set ng horror movie bahay namin. hahahaha! Takot sila sa cr at hallway sa baba. he3!

Thursday
Nagpunta naman ako sa school kasi kuhanan na ng grades. hahaha! Ok lang naman grades. DL pa rin kaya lang bumaba QPI ko. Tapos kumain kami ni drich sa pancake house. Habang andun ako, naaalala ko naman yung kwento nina yen tungkol sa mga na-holdup dun nung ACET. he3! oo. praning na kung praning.

Friday
Bonding kami ni Tita Mhags. Nagsumbong siya sa mga kalokohan ni dad. hahahaha! HIndi kasi siya pumasok kasi may sakit siya. Nag-half day nga si dad dahil dun. Selos naman ako. Bakit pag si Tita Mhags may sakit, nakakapag-half day siya pero pag ako naman... hahaha! nag-senti ba? Tapos hindi na rin ako pumuntang gym. Nakakatamad eh. Andun naman sina mom kaya ok lang.

Saturday
Late ako sa gym. hahahhaha! kasi naman sabi nina lola, sabay na raw ako sa kanila. HIndi ko naman akalain na malalate pala kami. Ang lapit na nga lang eh. he3! Hindi pa naman ako pwede ma-late kasi ala sina mom sa gym tuwing sat morning.

Sunday
Dapat kasama ako sa Ciudad para i-celebrate ang bday ni Hannah kaya lang, hindi ako nagising. hahaha! hindi na kasi ako nakakatulog ng matino eh. summer na kasi. hay!

Monday
Bonding kami ni lola. hahaha! Bigla na lang siyang nagkwento kaya na-late ako sa pagpunta sa bahay ni karen b. hahaha! Ok lang. Dami kong nalaman (kay lola at kay karen). he3! Tapos dumiretso kami sa arpee/ Sta. Lu. Ang saya nga kasi nung nakabili na kami ng gift kay katie, bumili kami ng popcorn at nagkwentuhan lang. hahaha! Kasi, natakam kami nung maamoy namin ung popcorn sa may sinehan. hahaahhaa!

Tuesday
Late na naman ako sa gym. hahaha! Dapat ata hindi na ko sumabay kina lola. Sobrang init naman. Parang ayoko gumalaw tsaka ayokong kumain. hahah! oo. nawawala na appetite ko. Hindi na tulad nung pasukan na kain lang ako ng kain. hay! ewan. he3!

Tuesday, April 10, 2007

dojang moments

first day ko ngayon sa dojang. hahaha! nakakatawa na nakakawindang. he3!

Mom: This is the forward stance *mag-f-forward stance*. Gayahin mo and repeat after me. *mag-f-forward stance left foot forward* Forward stance
Hannah: *mag-f-forward stance left foot forward* Forward Stance
Mom: *mag-f-forward stance right foot forward* Forward Stance
Hannah: *mag-f-forward stance right foot forward* Forward Stance
Mom: *mag-f-forward stance left foot forward* Ano 'to?
Hannah: *mag-f-forward stance left foot forward* Forward STEP

-nYEK!!!!

tRICIA: Wow hannah! Kelan ka nagpagupit?
hannah: Kanina.
tricia: Saan?
hannah: Sa bakla...

-wow.

Mom: Ano ginagamit sa stretch KICK?
Mga bata: PAA!!!

-hmmm.. may kick bang kamay ang gamit????

Coach Jeremy: Gawin natin ang downward block *downward block*. Gagawin nio sabay sigaw ng "downward block. Ok?" One.
Mga bata: *mag-d-downward block* Downward block!
Coach Jeremy: Two!
Mga bata: *mag-d-downward block* Downward block!
Coach Jeremy: Three!
Mga bata: *mag-d-downward block* Downward block!
Coach Jeremy: Ok. anong tawag sa block na ginawa nio kanina
Mga bata: ....

-ay! Nakalimutan agad.


Coach Jeremy: Ngayon naman, magdodownward block ulit tayo kaya lang ngayon, sasabayan natin ng sigaw. Ok. One.
Mga bata:*mag-d-downward block* Downward block!
Coach jeremy: Hindi! Shout! *mag-d-downward block sabay sigaw ng HAAA!!* ok? ganun. Ulit. ONe.
Mga bata:*mag-d-downward block* Downward block!
Coach jeremy kasama ng ibang coaches: Hindi.... sisigaw kayo.. ulit. One.
Mga bata:*mag-d-downward block* Downward block!
Coach jeremy kasama ng ibang coaches: HIndi nga.. ganito dapat.*mag-d-downward block sabay sigaw ng HAAA!!*
Mga bata:*mag-d-downward block* Downward block!


-OOHHHKay... ang saya nio mga bata....


Di ba? ang saya ng mga batang un. hahahaha!

gusto ko ng w550i. hahaha! basta gusto ko ng isa pang unit. Hindi naman ako nakakapag-ipon eh. he3! Gastadora eh.....

May nabasa akong magandang ipang-business kaya lang wala sa season. he3! Candy bouquets! Marunong na ko gumawa. he3! well... hindi iko pa na-t-try. Eh sino naman kasi bibigyan ko? Lalaki ba ko? Nanliligaw ba ko? behlat!

May nabasa rin ako tungkol sa small time trading o yung tinatawag nilang microentrepreneurs. hahaha! Biruin mo, napakaliit lang ng start up capital nila pero lumago ang mga negosyo nila na yung iba, hindi na small time. he3! Nagpapautang naman pala ang gov't sa mga microentreps na ito. Meron kasing listahan ng mga pwedeng puntahan ng mga nagbabalak maging microentreps para sa pagpapautang. Meron siya sa bawat region. Ewan ko na lang kung ano nang nangyayari dun ngayon. May napupuntahan ba yung perang nilalaan dun ng gobyerno? Or baka meron nga kaya lang takot lang ang mga tao na umutang at magsimula ng sarili nilang business. Naalala ko tuloy yung Kiang Su Economy na nabasa ko noon. he3!

Monday, April 09, 2007

new layout!!! at geeky thoughts.. hahaha

Hahahaha! Ang tagal ko nang hindi nagbabago ng layout.. kaya eto, blogskins muna ang nilapitan ko. Nakakaaliw nga mag-edit eh. Ngayon ko na lang ulit nagawa. Nakaka-miss pala. hahahaha! oo weird na kung weird. Ala kasi magawa dito sa bahay. Saya tuloy kung may nagagawa akong productive.. hahaha! productive ba ito? Pinaglalaruan ko nga ngayon ung animation shop sa computer. hahaha! Puro gif naman ginagawa ko dun. Ang saya kaya. La lang ako maisip na magandang concept. hahaha!

broken

sa Lex: BREAKING stereotypes sa Love: BREAKING traditions ang lakas kasi ng loob ko.. kala ko kaya ko lahat.. kaya eto ako ngayon: BROKEN a...